Pumasok ka sa isang silid-aralan: May kuryenta ba? 1,500 na eskuwelahan ay walang power supply.
May toilet ba? 1,000 ang walang toilet kaya imagine kung gaano ka-unsanitary at kabaho ang mga paaralan.
At kalahati ng public schools sa bansa ay walang nakaupong principal. Para silang barkong walang kapitan.
Clik here to view.

At ang mga teacher — overworked at napako na sa “repetitive paperwork.” Maliban pa sa pagkabalahaw dahil kulang ang admin staff ng mga paaralan, napakababa ng ratio ng titser kumpara sa tinuturuan. Kaya ba nilang i-monitor ang progreso ng umaabot sa 45 na bata sa silid-aralan?
Pagdating naman sa pasilidad, 5.1 milyon ng 24 milyon na estudyante ay “aisle learners” — ibig sabihin walang upuan at walang matinong classroom. At 20 taon pa raw bago mareresolba ang classroom shortage.
Papaano kung ang workforce na dati’y mahusay sa Ingles ay atrasado na kapag ikinumpara sa ibang manggagawa mula sa ibang bansa? Papaano kung simpleng math at science concepts ay hindi magagap?
Sabi ng EDCOM 2 sa two-year report nito, ang grade 8 at 9, hirap na hirap makapasa sa mga competencies na dapat nilang natutunan noong grade 4 pa.
Kapag hindi raw ito naagapan, ito’y magiging “lifelong handicaps.” At makikita na nga ‘yan sa kolehiyo. 31% lang daw ang may basic literacy skills of reading and wriitng” sa mga college students.
Hindi lang ito epekto ng politikal na kainutilan — tulad ng disastrous na pag-upo ni Sarah Duterte bilang hepe ng DepEd, at ang hilong-talilong at ill-equipped sa pandemya na termino ni Liling Briones. Bayan tayong laging dinadalaw ng bagyo at nakadadarang naman ang tag-init — kaya’t maya’t-maya ang class suspension.
Kung mag-aaral kang mahirap pero sa awa ng Diyos ay kabilang sa 25% na hindi stunted dahil sa malnustrisyon, at milagrong naigpawan mo ang bulok na turo at mga windang na mga titser sa public school, at dahil sa tiyaga at angking talino mo’y nakatuntong ka sa kolehiyo — malamang wala ka pa ring suporta sa gobyerno.
Dahil ang best and brightest natin, 1.03% lang ang kayang tulungan ng gobyerno. Halimbawa, kalahati lamang ng eligible for admission sa Philippine Science High School o Pisay ang nakapapasok dahil kulang sa slots.
Sa katunayan, apat sa 10 college student ay nagda-drop out kahit pa libre ang tuition.
Ginoong Marcos, sa dinami-dami ng dapat mong pagtuunan ng pansin, dapat mong i-prioritize ang edukasyon. Kinabukasan ng bayan ang nasa peligro. Eh ang siste — defunded nga ang education. Hindi edukasyon ang pinakamalaking pinupuntahan ng budget tulad ng mandato ng Konstitusyon kundi public works.
On paper, yes, pero pag binusisi mo, kasama ang military and police training institutions sa budget ng DepEd na dating nasa ilalim ng mga institusyong ito.
Mula sa nature hanggang sa nurture, dehado ang Pilipinong mag-aaral. At kapag nagpatuloy ang pagdausdos ng kalidad ng edukasyon, kakaunti ang high-paying jobs na ma-a-access ng mga Pilipino, here and abroad. Talagang magiging bansa na tayo na ang Number One export ay domestic helpers.
Para sa maraming Pilipino, edukasyon ang landas sa pag-ahon sa kahirapan at pag-angat sa buhay. Kaya’t maraming magulang ang nagsasakripisyo sa ibang bansa upang makapagpaaral ng anak. Sa dinami-dami ng problema natin, walang sintagos-buto tulad ng edukasyon.
Edukasyon ay kinabukasan. Madilim ang kinabukasan kung dispalinghado ang sistema ng edukasyon. Resilient ang Pinoy, pero paano na kung nabubulok pala ang pundasyon ng ating resilience? – Rappler.com