MAYNILA, Pilipinas – Hindi man lahat nagsisimba tuwing Linggo, dumagsa sa mga simbahan ang mga Pilipinong Katoliko nitong Ash Wednesday, ika-5 ng Marso, para magpalagay ng abo sa noo.
Espesyal ang Ash Wednesday ngayong taon dahil ngayon din ang Jubilee Year of Hope.
Sa isang Misa sa Manila Cathedral, ipinaliwanag ang kaugnayan ng abo — na simbolo ng pagsisisi sa kasalanan — at pag-asa.
Panoorin ang vlog ni Paterno Esmaquel II, kuha ni Ulysis Pontanares. – Rappler.com